Pinaboran at naiintindihan umano ng ilang empleyado ng gobyerno ang panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga government agencies na pag-iwas sa magarbong Christmas Parties.
Ayon kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, wise judgment umano ito mula sa Pangulo dahil sa sitwasyon ngayon ng bansa.
Kasabay ito ng panawagan ng alkalde sa kabataan na tumulong sa pagbangon sa kani-kanilang mga lokalidad.
Ayon naman sa ilang guro sa Calasiao, gugunitain pa rin nila ang pasko sa pinakasimpleng paraan.
Ito ay pagtungon umano sa memorandum na ibinaba ng Kagawaran ng Edukasyon na humihikayat na mag-donate na lamang sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang naturang panawagan ay sa pamamagitan ng isang formal written order na naglalahad na mabuting i-donate na lamang ang pondo sa mga nasalanta ng malalakas na bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨