Tumanggap na ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang mga residente sa island barangay ng Dagupan City na naapektuhan ng Bagyong Carina.
Ang barangay Carael at Calmay na kabilang sa coastal areas ng lungsod ay nakaranas ng pagbaha dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog dulot ng Bagyong Karina.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ilan sa mga nabigyan ng food packs ng ahensya ay mga mangingisda dahil halos isang linggong natigil ang kanilang paghahanap buhay dulot ng bagyo.
Bukod sa food packs at namahagi rin ang LGU ng mga vitamins at doxycycline kontra leptospirosis.
Sa huling update ng DSWD FO1, nasa 1,410 ang kabuuang family food packs ang naibigay na tulong sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments