Patuloy na hirap sa pamamasada sa gitna ng kalsada ang ilang jeepney drivers sa lungsod ng Dagupan dahil sa nararanasang init ng panahon.
Mas hirap umano ngayon ang ilang driver ng traditional jeepneys sa lungsod lalo at hindi naman air conditioned ang kanilang mga sasakyan.
Mas mainit rin sa bahagi kung saan sila nakaupo dahil sila ang may hawak ng manibela at unang nakakalanghap rin ng maruming usok na sumasabay sa mainit na buga ng hangin.
Madalas na paginom ng malamig na tubig at pagsusuot muna ng mas preskong damit ang panlaban ng mga jeepney driver para patuloy pa rin umanong makapasada.
Sa kabilang banda, tuloy tuloy na rin ang pag-usad ng usapin ukol sa jeepney modernization kung saan ang deadline ng PUV consolidation ay sa April 30 na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨