𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗬𝗔 𝗡𝗔𝗣𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗔

Napilitang magtaas ng presyo ng paninda ang ilang karinderya sa Dagupan City at Mangaldan bunsod ng mataas na presyo ng karne.

Ang ilan sa mga tindera ng karinderya sinabing mataas pa rin para sa kanila ang presyo ng karne ng baboy at manok na pangunahing rekado sa kanilang negosyo.

Para mabawi ang puhunan at may kitain, nagdagdag na rin ang mga ito sa presyo kada sukat ng bibilhing ulam ng kanilang mga kostumer.

May mga budget meal din ang mga ito na nasa 60 pesos ang halaga ngunit para sa mga estudyanteng kostumer nila, hindi na raw ito maituturing na budget-friendly.

Sa ngayon, umaabot sa 320 pesos kada kilo ang presyo ng karne ng baboy at 240 sa presyo ng manok sa mga pamilihan sa probinsiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments