𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Epektibo ang suspensyon ng face-to-face classes sa ilang munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan bunsod pa rin ng nararanasang matinding init ng panahon sa lalawigan.

Nauna nang nagdeklara ng face-to-face afternoon class suspension ang lokal na pamahalaan ng Umingan at naipatupad ito mula May 6 at magtatagal ng hanggang May 31. Saklaw ng suspensyon ay mula pre-school hanggang senior high schools sa mga pampublikong paaralan sa bayan.

Umiiral din sa bayan ng Binmaley ang F2F classes sa umaga at modular distance learning sa hapon sa parehong pampubliko at pribadong paaralan mula Pre-school hanggang senior high school na naging epektibo nitong May 16 at magtatagal ng hanggang May 28, base sa inilabas na direktiba ng LGU.

Sa nakalipas na linggo, naglaro sa 42 hanggang 47 degree celsius ang naitala na heat index sa Pangasinan partikular sa Dagupan City.

Samantala, base naman sa 2-Day Forecast ng DOST-PAGASA, nasa 43°C ang heat index ngayong araw, May 20 at 44°C naman bukas, May 21. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments