Apektado na rin ng lumalalang mainit na panahon ang ilang mga magsasaka ng pakwan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa mga magsasaka, nasisira na ang ilang mga pakwan na kanilang inani kamakailan dahil sa mainit na panahon. Diumano, dahil sa sobrang init kaya’t naapektuhan ang kalidad ng mga ito, kung saan nabawasan ang tamis nito.
Samantala, bagsak presyo ang produktong pakwan ngayon sa mga pamilihan, na nagkakahalaga lamang ng 15-23 pesos and kada kilo.
Kaya naman, para sa ilang magsasaka, ito ay malayo sa kanilang inaasahang magiging malaking kita sana sa anihan ngayong season.
Ang pakwan ay isang drought-resistant crop at mayaman din sa alkaline water kaya’t maigi itong pamatid-uhaw ngayong nararanasan pa rin ang matinding init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨