𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗠𝗔𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡

Ramdam na rin ng ilang mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang epekto ng El Niño phenomenon.

Sa bayan ng Mangaldan hinaing ng mga magsasaka ay ang mababang ani na ang sinasabing dahilan ay ang kakapusan ng tubig.

Sa mga nakapanayam ng IFM Dagupan ang dating mga bukid na nakaka ani ng dalawang Daang sako ay nakapag ani lang ng limampung sako habang ang katabing sakahan naman ay nakapag-ani ng labing limang Sako na dati nakaka ani ng pitumpong sako.

Sa ngayon at umaasa ang mga magsasaka ng tulong mula sa pamahalaan bagamat nagplano na din ang mga ito na pakwan o mais na muna ang itatanim. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments