𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠

Naghahanda na ang ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan sa pagtatanim ng palay, partikular na sa lungsod ng Dagupan.

Ang ilang magsasaka kasi ay hindi pa rin nakakapagtanim ng palay dulot ng nararanasang mainit na panahon kahit na idineklara na ang panahon ng tag-ulan.

Diumano, umaabot ng hanggang 80 porsyento ng sakahan sa lungsod ng Dagupan ang nakadepende sa buhos ng ulan o kung tawagin ay “rain – fed” at hindi nakadepende sa tubig na nagmumula sa irigasyon, ayon sa Dagupan City Agriculture Office.

Samantala, noong Agew na Dagupan ay nagpamahagi ng palay seeds sa mga magsasakang naapektuhan ang Department of Agriculture katuwang ang LGU Dagupan upang mapalakas ang kanilang produksyon ng bigas.

Inaasahan naman ng mga magsasaka sa lungsod na sa unang bahagi ng Hulyo ay makapagtanim na sila ng palay nang maiwasan nila ang pagkalugi.

Samantala, sa ilang bayan sa lalawigan, ang mga magsasaka ay nag-umpisa nang magtanim partikular na sa mga may sapat na suplay ng patubig o irigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments