Sinamantala ng ilang magsasaka sa Pangasinan ang magandang panahon upang magbilad ng palay matapos maranasan ang ilang linggong pag-uulan dahil sa sunod-sunod na bagyo.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Juanito Español,magsasaka mula sa Mangaldan, naapektuhan ang kanilang mga sakahan ng mga nagdaang bagyo kung saan pinadapa ang kanilang mga pananim at nangitim na ang ibang inani ng mga ito.
Aniya, nagsagawa sila ng forced harvest kamakailan bago tumama ang bagyo ngunit marami pa rin ang hindi na napakinabangan pa..
Hindi na umano tumatanggap ang ilang palay traders ng mga nangitim na palay.
Nananawagan naman ang mga naturang magsasaka ng interbensyon mula sa gobyerno lalo na’t paparating na naman ang banta ng panibagong bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments