𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗦𝗬𝗔𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗖𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗨𝗣 𝗙𝗥𝗜𝗗𝗔𝗬 ‘𝗗𝗘𝗔𝗥’ 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬

Pabor ang ilang magulang sa Dagupan City ukol sa inisyatibo ng Department of Education (DepEd) na pagimplementa sa Catch up Friday ‘DEAR’ activity para sa mga mag-aaral mula elementary hanggang secondary level.

Maganda umano ang maitutulong ng pagfocus ng DepEd sa proficiency ng mga bata kung saan naglaan ng araw para lalo pang maging agresibo ang pagtuturo sa mga ito.

Una nang inihayag ng DepEd na mas pagtitibayin pa nila ang pagtutok sa mga mag-aaral pagdating sa reading profeciency ng mga kabataan lalo na ang mga nasa edad na labing limang taong gulang.

Lumabas kasi na nasa 76 percent na nasa ganitong klaseng edad ang hindi nakapasa sa minimun proficiency level, kaya naman dapat na talagang agad na matutukan ang mga ito.

Sa ngayon, tuluyan nang inumpisahan ang implementasyon ng Catch Up Friday program nitong biyernes, January 12,2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments