Hati ang naging opinyon ng ilan sa magulang sa lalawigan ng Pangasinan ukol sa posibilidad na pagpapatupad ng Department of Education o DepEd ng Saturday classes sa susunod na pagbubukas ng school year.
Ang ilang magulang sinabing sang-ayon naman sila sa pagpapatupad kung sakali ng naturang dagdag na araw ng klase ng mga mag-aaral ngunit pakiusap ng mga ito na kung maaari ay maging half day o kalahating araw lamang ng sabado.
Ang iba naman sinabing sapat na umano ang limang araw na pasok ng mga bata mula elementarya hanggang highschool para mapunan ang karagdagan pang ituturo sa mga ito.
Hindi rin umano nila madalas na mahaharap ang paghahatid sa mga bata sa eskwelahan kapag nagkataong may pasok pa ng sabado dahil karamihan ay nagtatrabaho ng magulang ay nagtatrabaho pa ng weekend.
Samantala, sinang-ayunan naman ng ilang asosasyon tulad ng National Parent Teacher Association ang pagpapatupad sa saturday classes bilang makatutulong naman sa pag-adjust ng mga bata sa pagbabalik ng old school year calendar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨