Naghihigpit na rin sa seguridad ang ilang mall at supermarket sa Dagupan ngayong nalalapit na kapaskuhan ngayong taon.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang supermarket sa lungsod, gaya na lamang ni Melvin Mercado, detachment commander sa isang malaking pamilihan sa lungsod na lalo anilang hinihigpitan ang seguridad at mas pinaigting anila ang pagbabantay sa mga bisita at costumer na papasok sa pamilihan upang mas masiguro na walang makakapasok na mga kahina-hinalang indibidwal.
Tiniyak nito na magiging ligtas ang mga ito sa loob ng pamilihan.
Nanagawan naman ito sa mga papasok sa loob na bawal magdala ng mga bagay na makakadisgrasya gaya na lamang ng firearms o baril, deadly weapons o mga matatalim na bagay at mga component na maaaring makasira sa gusali.
Sang-ayon naman ang mga bisita at turista sa mga pamilihan at mall na may isinasagawang mahigpit na monitoring at checking ang pamunuan ng bisinidad ng mga lugar na ito.
Babala naman nito sa mga magbabalak gumawa ng masama na huwag ng gumambala ng mga taong nagtatrabaho ng normal dahil upang wala nang mamroblema pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments