𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗨𝗥𝗜 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗟𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡

Ilan sa mga namimili ngayon sa mga palengke at wet market sa Dagupan City ang nagiging mas mapanuri sa pagbibili lalo na kapag ginagamitan ng timbangan para iwas umano sa maaaring dayaan.
Hiling sana ng mga mamimili na sana ay lahat ng mga nagbebenta sa palengke ay patas at tama ang mga timbangan dahil pare-pareho rin naman umano silang nagtatrabaho at naghahanap buhay para may mapag kunan.
Nito lamang, sa paglilibot ng awtoridad sa lungsod para sa malawakang operasyon kontra depektibong timbangan, nakapagkumpiska ang mga ito ng sandamakmak na mga depektibong timbangan mula sa mga nagtitinda ng isda sa fish market.

Ang ilan pa sa mga timbangan, luma na at kinakalawang na siyang dapat na talagang palitan para maiwasan ang maaaring pagpalya sa timbang ng mga produktong inilalako nila lalo at in-demand ngayon ang isda.
Sa ngayon, mas pinagtitibay pa ng awtoridad ang pagpapatupad ng kanilang operasyon kontra depektibong timbangan nang sa gayon ay maiwasan ang dayaan at hindi mahirapan ang mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments