𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗦𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗔

Bagamat matagal ng apektado ang pangingisda ng mga Pilipino sa West Philippine Sea dahil sa pagbabantay ng Chinese Coast Guard, nadagdagan pa ito matapos ang inilabas na paghuli at pagkulong sa mga mahuhuling papasok sa kanilang teritoryo.

Ang Ilan pa nga sa mga ito ay nagkakasakit na dahil sa sama ng loob sa nasabing hakbang ng China.

Ito mismo ang kinumpirma sa iFM Dagupan ni Pamalakaya Pilipinas Chairman Fernando Hicap.

Ayon kay Hicap, patuloy ang kanilang paghikayat sa pamahalaan na gumawa na ng hakbang upang mapangalagaan at igiit ang karapatan at soberanya ng Pilipinas.

Wala rin kasi, aniyang legal na batayan ang China na gawin ang nasabing hakbang dahil unang-una ay sakop naman ng Pilipinas ang lugar na binabantayan ng China.

Nauna nito ay naglabas ng pahayag ang china na nagbibigay kapangyarihan sa kanilang coast guard na ikulong ng dalawang buwan ang mga dayuhang papasok sa kanilang teritoryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments