𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗢 𝗚𝗥𝗢𝗪𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔

Problemado ngayon ang ilang mango growers sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa dami ng supply ng mangga, dahil sa sabay-sabay na pagharvest ng kalapit na probinsya ng Pangasinan.

Ayon sa panayam ng iFM News Dagupan kay Pangasinan Mango Growers Association President Mario Garcia, wala umanong problema sa dami ng supply ngunit problema ng ilan sa kanilang mga kasamahan kung paano ito ibebenta.

Ang presyo kasi ngayon, bagsak presyo hanggang bente pesos kada kilo. Dahil umano sa dami ng supply dulot ng mainit na panahon, mabilis mahinog ang mga ito na nagiging dahilan din ng mabilis na pagkasira.

Dagdag pa ni Garcia, na hinahayaan na lang ng ibang mango growers ang mga mangga sa kanilang puno o di nama’y pinamimigay na lang upang hindi masayang.

Sa ngayon, panawagan ng kanilang grupo na masuportahan upang hindi masayang ang produktong mangga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments