Sa pagdeklara ng PAGASA sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa, ilang mga motorboat drivers at operators sa Dagupan City ay naghahanda na rin umano sa inaasahang mga pag-uulan sa mga susunod na araw at buwan.
Ayon sa mga ito, ilan daw sa mga kapwa nila pumapasada ng motorboat ay nauna nang nagpapaayos ng pampasaherong bangka.
Pinakaimportante umano tuwing tag-ulan ay ang matibay na panangga na kung tawagin ay “tarong” sa Pangasinan dahil madalas din itong reklamo ng mga pasahero sa pagkakaroon nito ng maraming butas.
Sinisiguro rin umano ng mga ito na walang mga butas o sira ang sasakyan upang hindi tuluyang makapasok ang tubig sa loob nito.
Samantala, nauna nang pinaalalahanan ng lokal ng pamahalaan katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) ang kaligtasan sa mga coastal areas particular ang mga resident ng barangay island sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga tamang kagamitan tulad ng life vest o jackets upang maiwasan ang mga hindi inaasahang water incidents. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨