𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗡𝗨𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟𝗦 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡

Hiling ng ilang college students mula sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan na mapabilang sa mga eskwelahan at institusyong nag-anunsyo ng All Level Class Suspension o mula Kindergarten hanggang College Level.

Ngayong araw, April 4, pumalong muli sa 42°C ang naitalang heat index sa Dagupan City at 42°C din ang heat index forecast sa probinsya.

Ani ng mga college students, maski sila ay apektado ng nararanasang mainit na panahon.

Samantala, ilang mga bayan lamang ang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa parehong pribado at pampublikong mga paaralan tulad na lamang sa bayan ng Aguilar, Alaminos, Binmaley, Urbiztondo at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments