Nananawagan ngayon ang ilang mga estudyante sa lalawigan ng Pangasinan, ng Academic Ease o Break o ang pansamantalang pagtigil ng mga klase at aktibidad kaugnay dito.
Ilang mga estudyante na kasi diumano ang nakararanas ng matinding epekto sa kanilang mga mental health dahil sa sabay-sabay at tila pagmamadali sa kanilang gawin ang ibaβt ibang proyekto o gawain.
Bagamat lingid sa kaalaman ng mga ito na ito ay kanilang responsibilidad, hiling nila na mapakinggan ang nasabing panawagan, hindi lamang para sa kanilang kapakanan maging sa kanilang mga guro na rin.
Ang ibang magulang, nagpahayag naman ng suporta sa panawagang ito dahil nakikita nila ang epekto ng sobrang dami ng gawain ng kanilang mga anak. Anila, ang ilan sa kanila ay umaabot na ng madaling araw o di kaya’y hindi na natutulog para lamang matapos ang kanilang mga gawain.
Samantala, matatandaan na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon na magtatapos ang klase ngayong school year sa huling araw ng Mayo upang bigyang daan ang unti-unting pagbalik ng klase sa dati nitong petsa. |πππ’π£ππ¬π¨