𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗚𝗨𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Nagdeklara na ang ilang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Pangasinan ng suspensyon ng Face-to-Face classes sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan bunsod ng patuloy na nararanasang mainit na panahon.

Kabilang sa mga LGUs na ito ay ang mga bayan ng Sison, San Fabian, Manaoag, Binmaley, Calasiao, Urdaneta, Villasis, San Carlos, Bautista.

Ilang LGUs naman tulad ng Pozorrubio, Laoac at Malasiqui ay napabilang naman sa mga may class suspension ng hanggang Senior High School.

Bilang alternatibo sa face-to-face class suspension, diskresyon ng mga school heads ang ipapatupad na learning delivery mode upang magpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante.

Samantala, inaasahang nasa 43°C ang heat index forecast na naitala ng PAGASA sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments