Daing ngayon ng ilang mga magulang sa lungsod ng Dagupan ang patuloy na nararanasang init ng panahon para sa kapakanan umano ng kanilang pinapaaral na mga anak, dahilan ang ilang mga bagay na nakakaapekto ngayon sa kalagayan nito tulad ng opisyal na pagpasok ng dry season sa bansa maging ang epekto ng El Nino.
Ayon sa mga ito, apektado raw ang mga bata dahil sa maalinsangang init, dagdag pa na maaari itong makaapekto sa performance ng mga ito pagdating sa kanilang pag-aaral.
Ang ibang mga bata umano, nakararanas ng pagkahilo at pagsakit ng ulo maging pagdurugo ng ilong dahil sa nararamdamang lagay ng panahon ngayon.
Sa isang pahayag, sinabi ng Mayor Fernandez na nakikipag-ugnayan na ito sa School Division ng Dagupan para sa posibleng aksyon kaugnay nito.
Matatandaan na nabigyan na ng awtoridad na magsuspinde ng klase ang mga school heads sa mga pampublikong paaralan kung sakaling maranasan sa lugar ang hindi kanais-nais na panahon, tulad ng maalinsangang init, ayon sa Kagawaran ng Edukasyon.
Kasunod pa nito ang pagpapatupad kung alternative o blended learning delivery mode ang gagamiting daan para magpatuloy ang klase ng mga estudyante sa gitna na suspension. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨