Pansamantalang isinara sa publiko ang ilang mga pook pasyalan sa lalawigan ng Pangasinan bunsod pa rin ng nananatiling epekto ng Bagyong Enteng sa lalawigan.
Sa bayan ng San Quintin, sarado sa mga bisita at turista ang Dipalo River Park simula ngayong araw.
Sa bayan ng Bolinao, hindi muna pinahihintulutan ang pagligo sa Patar Beach at Bolinao Falls.
Sa Dagupan City, ipinagbabawal na rin ang pagpapalaot at pagligo sa Bonuan Tondaligan Beach.
Samantala, bagamat wala nang nakataas ng wind signal sa lalawigan ng Pangasinan ay patuloy pa ring mararanasan ang mga pag-uulan na pinapalakas ng southwest monsoon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments