Naghahanda na ang mga residente sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa mga nakatira o malapit sa coastal areas dahil sa dalang banta ng daluyong o storm surge warning dulot ni Bagyong Nika.
Ayon sa mga residente ng Nibaliw Vidal sa bayan ng San Fabian, bukod sa pagtaas ng lebel ng tubig ang kanilang alalahanin, problema rin daw nila rito ang napadpad na buhangin mula sa baybayin pagkatapos ng kalamidad.
Una sa paghahanda rin ng mga ito ay ang pagtaas ng mga kagamitan lalo na at hindi masyadong namamalayan ang pagtaas ng tubig.
Ang mga residente rin sa bayan ng Lingayen at Binmaley, unang inihayag ang pre-emptive evacuation lalo na ang kanilang kasamang mga bata sa bahay.
Paalala ng awtoridad ang ibayong paghahanda at pagiging alerto ngayong inaasahan ang pananalasa ni Bagyong Nika sa lalawigan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨