𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗟𝗜𝗟𝗜𝗠𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢

Mahigpit ngayon ang isinasagawang pagbabantay ng Task Force Disiplina ng Dagupan City dahil sa ilang insidente umano ng pananakit ng mga nanlilimos sa lungsod.

Sa pahayag ni Gerry Fernandez, head ng Task Force Disiplina, mariin ang kanilang pagtutok sa mga reklamo na umano’y pananakit o di naman ay pang-aagaw ng pagkain ng ilang nanlilimos.

Hinikayat ni Fernandez ang publiko na kung sakaling makaranas ng mga ganitong pangyayari ay agad na magsumbong sa pulisya.

Ngayong papalapit ang holiday season nakitaan na ng unti-unting pagdami lang mga nanlilimos sa lungsod.

Samantala, ang DSWD Field Office 1 ay patuloy na nagsasagawa ng interbensyon para sa mga street dwellers sa ilalim ng programang PAG-ABOT.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments