𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗚𝗨𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Siniguro ng Department of Health – Ilocos Center for Health and Development ang mga serbisyo para sa mga pasyente sa pamamagitan ng pagbisita ng ahensya sa iba’t-ibang ospital sa rehiyon.

Binisita ng bagong talagang Undersecretary for the Universal Health Care – Health Services Cluster for Northern and Central Luzon – Maria Rosario Singh-Vergeire kasama ang DOH Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang mga health facilities sa mga ospital sa rehiyon.

Layunin ng naturang kaganapan ang pagsisiguro sa maayos nitong serbisyo sa mga pangangailangang medical gayundin ang accessibility nito sa bawat residente ng Ilocos Region.

Ayon kay Vergeire, ninanais ng kanilang tanggapan ang pagbibigay ng mga karampatang serbisyong nakapaloob sa Universal Health Care sa bawat mamamayan.

Dagdag pa niya, na makakamtan lamang ang naturang layunin kung pangangalagaan ng mga health authorities at facilities ang kaligtasan ng bawat pasyente, sa pamamagitan ng maayos na serbisyo sa kanila.

Ayon naman kay RD Sydiongco, hiling nila ang pagkakaisa at pagpapaigting ng bawat hospital at medical practitioner sa rehiyon sa pagbibigay ng bakuna sa mga target nitong populasyon, partikular na sa lalawigan ng Pangasinan.

Hinihikayat din ng awtoridad ang bawat isa na magkaisa sa pagkamit ng maayos na serbisyong medikal sa bawat mamamayan ng Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments