Ilang pagbabago sa Provincial Ordinance No. 325-2024 o ang mandatoryong pagsusuot ng reflectorized vest ang iminungkahi ng Land Transportation Office (LTO) Region 1.
Sa sulat na ipinadala ni LTO Regional Director Glorioso Daniel Martinez sa Sangguniang Panlalawigan, nakasaad dito ang suhestyon ng opisyal na hindi na kinakailangan magsuot pa ng reflectorized vest ang backride ng driver ng motorsiklo dahil sa banta sa kalusugan.
Inaasahan kasi na maaring magsalitan sa paggamit ng vest lalo na umano sa mga riding companies.
Bukod dito, mungkahi ni Martinez ang unting pagbabago sa pamagat ng naturang ordinansa.
Positibo naman ang opisyal sa naturang ordinansa at buo ang suporta nito para sa kaligtasan ng mga motorista sa rehiyon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments