𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗣𝗜𝗟𝗜𝗜𝗡 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗞𝗘𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗖𝗥𝗢𝗣𝗦

Mas pipiliin pa rin umano ng ilang Pangasinense ang pagbili at pag-avail ng bigas kesa sa alternative crops na pamalit para sa naturang produkto.

Sa kabila ng nararanasang presyo ng bigas ngayon na nasa starting price na 46 pesos pataas per kilo depende sa klase, sanay umano ang ilan sa konsyumer na kainin pa rin ang bigas kesa sa alternatibong pagkain tulad ng mais, kamote, at ilan pang roots crops.

Hiling pa rin ng mga konsyumer ang pagbaba pa sana sa presyo ng naturang produkto bilang isa ito sa pangunahing pagkain ng mamamayang pilipino.

Sa ngayon, naglalaro sa 46 pesos pataas ang per kilo ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments