𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔

Binaha ang ilang pangunahing kalsada sa lungsod ng Dagupan kasabay ng pag-uulan at high tide.

Ilan sa mga apektadong kalsada ay ang Rizal St., Gomez St., Zamora St., Burgos St., at kahabaan ng Brgy. Mayombo.

Apektado ang mga nabanggit na lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinocalan River sa Sta. Barbara at ang hightide na umabot sa 3. 8 ft.

Apektado naman ang nagpapatuloy na konstruksyon ng road elevation project sa lungsod dahil sa pagbaha.

Samantala, ayon sa lokal na pamahalaan isa sa isasagawang solusyon nito ang rehabilitasyon ng mga creek sa lungsod upang maibsan ang pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments