𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗘𝗞𝗘𝗡𝗗

Dagsa na ngayon ang mga pasaherong mula sa Maynila at umuwi ng Pangasinan kasunod ng long weekend.

Nakaranas na ng bulto ng mga pasahero ang ilang bus company sa lungsod simula pa kagabi.

Ayon sa ilang pasahero na nakapanayam ng IFM Dagupan, maagang umalis ang mga ito sa Maynila upang masulit ang oras kasama ang kanilang pamilya dito sa Pangasinan.

Ilang tourist spot din ang binabantayan ng awtoridad na inaasahang dadagsain ngayon.

Samantala, siniguro naman ng ilang bus company ang sapat na bus para sa mga magsisibalikan ng Maynila pagkatapos ng long weekend. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments