Doble ang pag-iingat at paglilinis ngayon ng ilang residente sa ilang island barangays sa Dagupan City upang malabanan ang tumataas na kaso ngayon ng dengue sa lalawigan.
Tulad sa Brgy. Calmay, sinisiguro umano nila na hindi sila nag-iimbak ng tubig na hindi naman nila magagamit at nililinis ang mga kasuluksulukan ng kanilang kapaligiran para maiwasang pamugaran ng mga lamok lalo at nasa tabing ilog pa ang karamihan sa kanilang mga bahay.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa halos dalawang daan ang kaso ng dengue sa lalawigan ayon sa naitalang datos ng Pangasinan Provincial Health Office.
Patuloy naman ang panghihikayat ng health authorities na mag-ingat at panatilihing malinis ang kapaligiran ng mga kabahayan para iwas na mamungad ang mga lamok at hindi na magdulot pa ng sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨