Hindi pa man tapos ang nararanasang epekto ng El Niño, naghahanda na ilang mga residente sa lungsod ng Dagupan sa inaasahang paparating na La Niña.
Ilang residente mula sa mga madalas bahain na lugar sa lungsod ang puspusan nang nagsasagawa ng mga pamamaraan upang maibsan ang magiging epekto ng paparating na tag-ulan. Tulad na lamang ng ilang pamilyang nakatira sa may bahagi ng Brgy. Malued, pinagtitibay na nila ang kanilang mga dinadaanang tulay na gawa sa kawayan habang hindi pa madalas ang pag-ulan, gayundin ang paggawa ng balsa o lamo.
Samantala, ayon sa PAGASA, dapat na umanong paghandaan ang paparating na La Niña, dahil sa ngayon ay nasa 60% chance ang posibilidad na tumama ito.
Sa kabilang banda naman ay handa na rin ang lokal ng pamahalaan ng Dagupan sa papalapit na tag-ulan, kung saan mariin nila umanong tututukan ang mga bahaing lugar, gayundin ang pagpapatuloy ng iba’t ibang flood mitigating projects sa nasabing lungsod.
Samantala, pagbabahagi ng Engineering Office ng Dagupan na hindi lamang pagpapataas ng kalsada ang nagpapatuloy bagkus sila rin ay magsasagawa ng ‘Operation Sitio’ kung saan tutulungan nila ang ilang masisikip na daanan o mga sitio sa lungsod upang hindi sila mapinsala ng matindi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨