𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗚𝗜𝗥𝗔𝗡 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

Madalas ngayon ang paglilinis ng ilang residente sa Dagupan City sa kanilang mga kapaligiran bilang hakbang at suporta sa kampanya ng kagawaran ng kalusugan at ng LGU kontra dengue.

Ito ay matapos makapagtala na ng nasa apatnapu’t isang kaso ng dengue ang lungsod simula buwan ng January hanggang June ngayong taon.

Ang ilan sa mga nakatira sa island barangay, sinisiguro umanong nalilinisan ang kasulok-sulokan ng kanilang kabahayan at bakuran lalo at napapalibutan sila ng tubig na maaaring pamugaran ng lamok na may dalang dengue.

Patuloy naman ang pagbibigay paalala ng kagawaran ng kalusugan ukol sa tamang pangangalaga rin sa katawan at kung makaranas man ng sintomas ng naturang sakit ay agad nang pumunta sa pinakamalapit na ospital upang maagapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments