𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚

Dahil sa malakas at walang tigil na pag-uulan na nararanasan sa Pangasinan, Mahigpit ngayon ang isinasagawang monitoring ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa mga pangunahing river system.

Bagamat nasa normal level pa ang Marusay, sinocalan, cayanga-bued, bañaga, balincaguing river nagpaalala ang ahensya sa posibleng pagtaas ng antas ng tubig dito maging ang tubig-dagat dahil sa high tide.

Ilang residente na rin mula sa bayan ng Bani at Alaminos City ang inilikas ng awtoridad dahil sa banta ng malakas na pagulan.

Sa ngayon, nanatiling nasa Red Rainfall Warning ang lalawigan na maaring makaranas ng 112. 5 mm accumulated rainfall.

Inabisuhan ang mga residente na sumunod sa mga abiso ng awtoridad kung kinakailangan magsagawa ng pre emptive evacuation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments