𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗡𝗜

Aagahan na ng ilang mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang pag-aani ng palay bunsod ng patuloy na lumalalang epekto ng El Niño sa kanilang mga sakahan.

Upang maiwasan pa diumano ang mga idudulot ng El Niño sa darating na Abril at Mayo, aanihin na ng ilang magsasaka sa bayan ng Calasiao, ang kanilang mga pananim na palay sa buwan ng Marso bilang parte ng kanilang second crop.

Ayon sa ilang mga magsasaka, umaasa silang magiging maganda ang kanilang ani ngayon, bago pa maranasan ang hagupit ng El Niño, at maging maayos ang kanilang bentahan na nasa 28-29 pesos ang buying price ngayon, ayon naman sa SINAG.

Samantala, sa ilang bahagi ng Pangasinan, nag-uumpisa na silang magtanim ng mga pananim na hindi gaanong nangangailangan ng patubig, tulad ng pakwan at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments