𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞-𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔

Bagsak – presyo ang ilan sa mga school supplies sa merkado habang hindi pa nagsisimula ang buwan ng pasukan.

Ayon sa ilang retailers sa lungsod ng Dagupan, naglalaro ang presyo ng ilan sa mga school supplies tulad ng notebook sa P23.00 hanggang P52.00, ang mga lapis naman ay nagkakahalaga mula P18.00 hanggang P33.00 at ang mga ballpen naman ay nagkakahalaga ng P24.00 hanggang P44.00

Sa anunsyo ng Department of Trade and Industry o DTI, maaari pa umanong tumaas ang presyo ng mga school supplies kapag inilabas na ang bagong suggested retail price o SRP na ipapataw para sa mga ito.

Payo naman ng DTI sa mga mamimili, na bumili na ng mga kagamitang pang-eskwela habang hindi pa nagsisimula ang pasukan. Dagdag rin nila na tignan munang maigi ang presyo ng mga school supplies bago bumili.

Samantala, itinakda ng Department of Education o DepEd ang pagbubukas ng klase sa Hulyo 29. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments