𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Nalubog ang ilang sa Dagupan City dahil sa hightide na sinabayan pa ng naranasang epekto ng Bagyong Kristine. Nalubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng isang pribadong sementeryo sa Poblacion Oeste pati na rin ang Roman Catholic Cemetery.

Ilan sa mga maglilinis Sana ng puntod ng kanilang yumao bilang paghahanda sa Undas ay hindi na tumuloy dahil Nalubog ang mga puntod.

May mga mangilan ngilan ring nagpumilit bumisita ngunit nahirapan dahil NASA dulong bahagi pa ng sementeryo ang puntod ng kanilang mga yumao.

Samantala, patuloy ang monitoring ng lokal na Pamahalaan sa iba pang barangay sa lungsod na nakaranas ng epekto ng high tide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments