Idinaan sa social media ng ilang small business establishments na apektado ng road and drainage elevation ang kanilang patuloy na daing sa nararanasang hirap habang isinasagawa ang konstruksyon.
Sa isang tiktok post ng isang small business na nakabase sa Dagupan City, inihayag nito ang daing sa hirap na dinadanas ng kanilang maliit na negosyo dahil sa kasalukuyang konstruksyon ng daanan.
Nakakalap naman ito ng samut saring reaksyon at opinyon mula sa mga apektado rin ng konstruksyon.
Ang ilan naiintindihan ang daing ng mga small business establishments ngunit kailangan umano nilang harapin ang mga sakripisyo para sa ikabubuti rin umano ng syudad.
Samantala, ang ilang estudyante rin ay napa-comment sa naturang post ukol sa nararanasan rin nilang hirap papasok sa kanilang mga paaralan.
Sa ngayon, patuloy pa din ang konstruksyon ng naturang kakalsadahan at ginagawa naman ng DPWH R1 katuwang ang LGU Dagupan ang lahat ng kanilang makakaya para agarang matapos ang naturang proyekto. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments