𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Umaaray ngayon ang ilang mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan, dahil apektado ang kanilang mga taniman ng mais dahil sa mainit na panahon.

Bagamat itinuturing na drought-resistant crop ang mga mais, hindi ito nakatakas sa matinding epekto ng el niño.

Ayon sa ilang magsasaka, ang ilang bunga ng mais ay maliit kumpara sa mga inaani nila dati, at hindi rin buo ang mga ito. Ang iba naman, diumano, ay halos wala ng laman.

Kaya naman, daing nila ang bahagyang pagkalugi ng kanilang pagtatanim. Anila, sila na lamang ay babawi sa susunod na pagtatanim upang mapunan ang pagkalugi nila.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtulong ng Department of Agriculture sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka sa buong lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments