𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗜𝗧𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗗𝗢 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Hindi pa rin tumatanggap ng mga turista ang ilang tourist sites sa Ilocos Norte matapos hagupitin ng Bagyong Julian.

Ayon sa Ilocos Norte Tourism, buksan na ang lahat ng Tourism Sites sa probinsiya maliban sa Tanap-avis falls, Kaangrian falls, Madongan Dam, Umok Ti Siwawer, at Chinese Garden sa Paoay.

Ang mga nabanggit na tourist sites ay sasailalim sa pagsasaayos at preservation kung kaya’t hindi muna papayagang makapasok ang mga bisita o turista.

Umabot na sa higit kumulang Isang bilyon ang naitalang danyo sa imprastraktura at agrikultura sa Ilocos Norte na una nang isinailalim sa sa State of Calamity. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments