𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗣𝗢𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Muling binuksan sa publiko ang operasyon ng ilang pook pasyalan sa Pangasinan kahapon matapos ipagbawal ang anomang aktibidad dahil sa banta ng Bagyong Nika.

Ayon sa abiso ng San Quintin Tourism Office, sumailalim sa clearing operation at maintenance ang Dipalo River isang araw matapos ang paglabas ng Bagyong Nika sa bansa bago ito buksan kahapon.

Sa Bolinao naman, bagaman hindi na umiiral ang ‘No Swimming Policy’ sa Patar Beach, inaabisuhan naman ang mga beachgoers na huwag lumangoy sa malalim na bahagi para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, nananatiling sarado ang operasyon ng Bolinao Falls dahil sa ongoing maintenance.

Sa kabila nito, patuloy na nakaantabay ang DRRMOs ng bawat bayan ukol sa abiso sa mga tourist spots upang masiguro ang kaligtasan ng mga bumibisita sa posibleng banta ng Bagyong Ofel sa lalawigan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments