Isinagawa ng La Union Provincial Health Office ang Bakuna Eskwela sa ilang pampublikong sementeryo noong Undas.
Layunin nitong mabakunahan ang mga bata na bumisita sa sementeryo na hindi pa natuturukan sa kabila ng pinaigting na kampanya sa mga paaralan.
Ilan sa mga ito ay naturukan ng angkop na bakuna base sa kanilang edad upang makaiwas sa banta ng tigdas, rubella, tetanus, diphtheria. Patuloy na isinasagawa ng Department of Health Region 1 ang Bakuna Eskwela sa mga paaralan sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments