𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗞𝗜𝗧𝗔

Nanawagan ang ilang tricycle drivers sa lungsod ng San Carlos ng pinansyal na tulong mula sa gobyerno dahil hirap pa rin ang mga ito sa liit ng kanilang kinikita sa araw-araw.

Bagamat nakatakdang bumaba ngayong linggo ang presyo ng produktong petrolyo kulang na kulang pa rin umano para sa kanila ang arawang kita.

Ayon sa grupong Metro, Matagdem, Inerangan, Nelintap, Doyong TODA na nakapwesto sa old public market ng lungsod, umaasa sila na mabigyan din ng prayoridad ang mga katulad nila upang may ipang dagdag sa gastusin.

Nasa 300 pesos umano ang malinis na naiuuwing kita ng mga ito ba kulang pa sa tatlong beses na kainan ng kanilang pamilya.

May mga mangilan ngilan rin umanong sinasabing tulong ang mga ito na pinagpapalistahan ng kanilang mga pangalan ngunit hanggang lista lamang at walang dumarating na assistance sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments