Taon-taon nang nararanasan sa Dagupan City at Calasiao ang pagdami ng mga Badjao na namamalimos sa lansangan sa tuwing papalapit na ang kapaskuhan.
Sa Calasiao, kapansin-pansin ang muling pagdami ng mga ito, na nakikipagpatentero sa mga sasakyan at bigla-biglang sumasampa sa pampublikong jeep makapanlimos lamang.
Dahil dito, nababahala ang ilang jeepney drivers sa kanilang kapakanan dahil kung may mangyari mang masama sa mga ito kargo de konsensya pa nila.
Patuloy naman ang paninita ng kawani ng Public Order and Safety Office (POSO) sa mga ito ang tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD0) ay nagsasagawa ng hakbangin upang mapigilang masangkot sa aksidente.
Samantala, sa Dagupan City mangilan ngilan na rin ang makikitang Badjao na bitbit ang kanilang mga anak sa lansangan habang namamalimos.
Sa ilalim ng Anti Mendicacy Law ang pagbibigay ng limos ay labag sa batas na nagbabawal sa paghingi o pag-solicit ng mga charitable donations sa mga mahihirap at iba pang religious organizations sa kalsada. |πππ’π£ππ¬π¨