Ilan pa sa mga PUv drivers at operator ang hindi pa rin nakakasama o maging bahagi ng mga korporasyon at kooperatiba para sa magaganap na consolidation ngayong Disyembre ukol sa jeepney modernization. kaya naman patuloy pa rin silang hinihikayat ng gobyerno na makisama na sa mga grupo para hindi na abutan pa ng deadline na inilathala.
Nanggaling na mismo kay PBBM na wala na umanong extension sa deadline ng consolidation ng PUV operators kaya dapat na sumama at magpa-miyembro na ang ilan sa mga hindi pa kasama sa kooperatiba at korporasyon nang sa gayon patuloy pa rin silang ma-isyuhan ng gobyerno ng prangkisa para sa susunod na taon.
Pinaka-kailangan ng mga PUV operators ang pagkakaroon ng prangkisa para magpatuloy at legal pa rin na makapagbyahe ng kanilang mga sasakyan kaya naman kung sakaling hindi mapasama o magiging miyembro ang ilan pa sa kanila sa korporasyon at kooperatiba ay hindi na iisyuhan ng prangkisa para sa susunod na taon at matatapos ang kasalukuyang prangkisang gamit sa December 31, 2023.
Sa kabilang banda, malaking porsyento naman na ng mga PUV drivers at operators sa lalawigan ng Pangasinan ang kabilang na sa mga kooperatiba at korporasyon at hinihintay na lamang ang araw ng consolidation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments