𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝟰𝟰𝟮𝗞, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗕𝗢𝗡

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 ang tatlong katao matapos mahulihang nagbebenta ng illegal na droga na nagkakahalaga ng 442,000 sa Brgy. Amansabina, Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na sina Loreto Mariano, 41 anyos, pintor residente ng Mangaldan, Lezter Mayrina, 36 anyos, mekaniko residente ng Calasiao at Ronnie Ambat, 40 anyos, residente, Bayambang.

Isang plastic ng shabu na tumitimbang ng 65 gramo na isinilid sa kahon ng sabon ang nasamsam sa mga suspek.

Nasampahan na ang tatlo ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments