Naka-deploy ang lahat ng kawani ng Public Order and Safety Office (POSO) enforcers sa lansangan ng Dagupan City kasabay ng nararanasang bigat ng daloy ng trapiko sa ilang mga pangunahing kakalsadahan sa lungsod.
Ilan sa mas tinututukan ngayon ay ang illegal parking na kadalasang nagiging sanhi umano kung bakit mas lalong bumagal ang daloy ng trapiko.
Ayon kay POSO Chief Arvin Decano, may karampatang multa sa kung sino man ang mahuhuli sa naturang kautusan.
Kung ang isang sasakyan ay iniwan kung saan saan at walang driver, ay nasa isang libong piso ang multa nito habang ang illegal parking na may presensya ng driver ay kadalasang first warning o pinapaalis o di kaya ay pinagbabayad ng dalawang daang piso.
Samantala, patuloy na pinangangasiwaan ng mga enforcers ang main roads sa Dagupan City lalo na sa mga bahaging nagpapatuloy ang mga road projects bilang pag-alalay sa mga motorista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨