𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Mas hinigpitan pa ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan ang pag-iimplementa nito ng kautusan laban sa Illegal Parking ng sasakyan sa lungsod.

Sa bahagi ng Magsaysay at Quintos bridge na madalas pagparadahan ng ilang mga may-ari ng sasakyan, mahigpit nang ipinagbabawal ngayon ang pagpaparada ng anumang uri ng sasakyan.

Ayon sa POSO, ipinagbabawal nila ito ayon na rin sa direktiba ng Department of Public Works and Highways o DPWH, gayundin ang maaaring maidulot nito sa magiging lagay ng trapiko lalo na’t kasalukuyan pa ring ginagawa ang bahagi ng kalsada roon.

Ang anumang uri naman ng sasakyang lalabag sa umiiral na kautusan ay iniisyuhan ng Traffic Citation Ticket, kung saan pinagmumulta ang mga ito ng P200.00 para sa illegal parking, samantalang P1,000.00 naman para sa mga unattended.

Samantala, bagamat pahirapan ang maghanap ng parking area, pabor naman ang ilang motorista sa nasabing paghihigpit upang maibsan kahit papano ang nararanasang trapiko sa mga nasabing bahagi ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments