𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬

Isinailalim na sa state of calamity ang buong probinsya ng Ilocos Norte dulot ng nararanasang hagupit ng Bagyong Julian.

Ayon sa Provincial Government ng Ilocos Norte, nasa 85 five million pesos na ang naitalang pinsala sa pananim sa probinsya habang three hundred eighty five thousand pesos naman na halaga sa livestock at poultry.

Dalawa na ang naitalang namatay dahil sa bagyo habang isa ang na-ireport na nawawala. Samantala, patuloy ang pagsasagawa ng relief operations ng ilang local government units para sa mga nasalantang residente at patuloy rin ang repacking ng relief goods para sa mga maaapektuhang pamilya at indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments