𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗦𝗨𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗙𝗥𝗘𝗘 – 𝗔𝗙𝗣

Idineklara ang Region I bilang insurgency free o pagiging malaya sa anumang terorismo, karahasan, o kaguluhan mula sa sa New People’s Army (NPA).

Ayon kay 501st Infantry Valiant Brigade of 5th Infantry Star Division of Armed Forces of the Philippines Brigade Commander BGen Ferdinand Melchor C. Dela Cruz, nanguna sa listahan ang Ilocos Region sa idineklarang insurgency free sa buong bansa.

Aniya, ito ay bunsod ng pinagsanib na pwersa ng mga concerned agencies na kasama sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ang NTF-ELCAC.

Samantala, magpapatuloy pa ang ginagawang pagbabantay ng mga patrol base upang matiyak na walang makapasok na anumang maaaring pagmulan ng kaguluhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments