𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗗 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧

Itinaas na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 sa red alert status ang Ilocos Region dahil inaasahang uulanin ang malaking bahagi ng rehiyon dahil sa Habagat.

Ayon sa Civil Defense Ilocos, inatasan na ni RDRRMC1 Chairperson Gregory Cayetano ang mga LDRRMOs na magsagawa ng pre-emptive evacuation lalo na sa mga lugar na flood at landslide prone areas.

Nakahanda na rin umano ang 42, 872 food packs at 21, 692 non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) 1 sakaling may lokal na pamahalaa na kailanganin ang tulong nito.

Ayon sa PAGASA katamtaman hanggang sa malakas na pag-uulan ang mararanasan ng western luzon ngayong araw hanggang bukas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments