𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗙𝗥𝗜𝗖𝗔𝗡 𝗦𝗪𝗜𝗡𝗘 𝗙𝗘𝗩𝗘𝗥

Inihayag ng Department of Agriculture na muling nakapagtala ng kaso ng African Swine Fever o ASF ang Region 1.

Ayon kay Department of Agriculture Region I Chief Regulatory Division Dr. Alfieri Banaag, positibo sa sakit ang naipadalang sample ng dugo ng mga baboy mula sa bayan ng Luna habang tatlong barangay din sa bayan ng Balaoan, pawang mula sa lalawigan ng La Union.

Nakatakdang sumailalim sa culling operation ang mga alagang baboy na nagpositibo sa sakit.

Sa ngayon, tinututukan ang kaso ng African Swine Fever sa buong rehiyon upang makontrol at matiyak na hindi ito kakalat sa iba pang lugar sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments